Thursday, September 11, 2014

Sunday, August 3, 2014

Kay Estella Zeehhandelaar (Salin ni Ruth Mabanglo)

Japara, Mayo 25, 1899

Ibig na ibig kong makilala ng isang “babaeng moderno” iyong babaeng malaya, nakapagmamalaki’t makaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masigla’t maagap na hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at sigasig, pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan at kundi maging ang kabutihan ng buong sangkatauhan.
Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong sa puso’t isip ko’y hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting kapatid na babae na tumatanaw sa malayong kanluran.
Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtratrabaho;t nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe; subalit nakatali ako sa mga lumang tradisyong hindi maaaring suwayin. Balang araw maaaring lumuwag ang tali at kami’y pawalan, ngunit lubhang malayo pa ang panahong iyon. Alam ko, maaaring dumating iyon, ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o apat na hebenerasyon. Alam mo ba kung paano mahalin ang bago at batang panahong ito ng buong puso’t kaluluwa kahit nakatali sa lahat ng batas, kaugalian at kumbensyon ng sariling bayan. Tuwirang sumasalungat sa kaunlarang hinahangad ko para sa aking mga kababayan ang lahat ng mga institusyon naming. Wala akong iniisip gabi’t araw kindi ang makagawa ng paraang malabanan ang mga lumang tradisyon naming. Alam kong para sa aking sarili’y magagawa king iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga buklod na matibay pa sa alinmang lumanag tradisyon na pumipigil sa akin; at ito ang pagmamahal na inuukol ko sa mga pinagkakautangan ko ng buhay, mga taong nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay. May karapatan ba akong was akin ang puso ng mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at kabutihan, mga taong nag-alaga sa akin ng buong pagsuyo?
Ngunit hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit at bagong-silang na Europe ay nagtutulak sa aking maghangad ng pagbabago sa kasalukuyang kalagayan. Kahit noong musmos pa ako’y may pang-akit na sa aking pandinig ang salitang “emansipasyon”; may isang naiibang kabuluhan ito, isang kahulugang hindi maaabot ng aking pang-unawa. Gumigising ito para sa hangarin ang pagsasarili at kalayaan- isang paghahangad na makatayong mag-isa. Ang puso ko’y sinusugatan ng mga kondisyong nakapaligid sa akin at sa iba, buong lungkot na pinag-aalab ang mithiin kong magising ang aking bayan.
Patuloy na lumapit ang mga tinig na galing sa malayong lupain, umaabot sa akin, at sa kasiyahan ng ilang nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba, dala ntio ang binhing sumupling sa aking puso, nag-ugat, sukmibol hanggang sa lumakas at sumigla.
Ngayo’y kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang magkakilala tayo.
Panganay ako sa tatlong babaing anak ng Regent ng Japara. Ako’y may anim na kapatid na lalki at babae. Ang lolo kong si Pangeran Ario Tjondronegoro ng Demak ay isang kilalang lider ng kilusang progresibo noong kapanahunan niya. Siya rin ang kaunaunahang regent ng gitnang Java na nagbukas ng pinto para sa mga panauhin mula sa ibayong dagat-ang sibilisasyong Kanluran. Lahat ng mga anak niya’y may edukasyong European, at halos lahat ng iyon (na ang ilan ay patay na ngayon) ay umiibig o umibig sa kanlurang minana sa kanilang ama; at nagdulot naman ito sa mga anak nila ng uri ng pagpapalaking nagisnan nila mismo. Karamihan sa mga pinsan ko’t nakatatandang kapatid na lalaki ay nag-aral sa Hoogere-Burger School, sng pinakamataas na institusyon ng karunungang matatagpuan ditto sa India. Ang bunso sa tatlong nakatatandang kapatid kong lalaki’y tatlong taon na ngayong nag-aaral sa Netherlands at naglilingkod din naman doon bilang sundalo ang dalawa pa. Samantala, kaming mga babae’y bahagya nang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral dahil na rin sa kahigpitan n gaming lumang tradisyon at kumbensyon. Labag sa aming kaugaliang pag-aralin ang mga babae, lalo’t kailangang lumabas ng bahay araw-araw para pumasok sa eskwela. Ipinagbabawal n gaming kaugalian na lumabas man lamang ng bahay ang babae. Hindi kami pinapayagang pumunta saan man, liban lamang kung sa paaralan, at ang tanginglugar na pagtuturong maipagmamalaki ng syudad naming na bukas sa mga babae ay ang libreng grammar school ng mga European.
Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taonng gulang, ako ay itinali sa bahay-kinailangang “ikahon” ako. Ikinulong ako at pinagbawalang makipag-uganayan sa mundong nasa labas ng bahay, ang mundong hindi ko na makikita marahil liban kung kasama ko na ang mapapangasawang estranghero, isang di-kilalang lalaking pinili ng mga magulang ko, ang lalaking ipinagkasundo sa akin nang di ko namamalayan. Noong banding huli, nalaman kong tinangka ng mga kaibigan kong European na mabago ang pasyang ito ng mga magulang ko para sa akin, isang musmos pa na nagmamahal sa buhay, subalit wala silang nagawa. Hindi nahikayat ang mga magulang ko; nakulong ako nang tuluyan. Apat na mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng makapal na pader, at hindi ko nasilayan minsan man ang mundong nasa labas.
Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging kaligayahang naiwan sa aki’y pagbabasa ng mga librong Dutch at ang pakikipagsulatan sa mga kaibigang Dutch na hindi naman ipinagbawal. Ito-ito lamang ang nagiisang liwanag na nagpakulay sa hungkag at kainip-inip na panahong iyon, na kung inalis pa sa akin ay lalo nang nagging kaawa-awa ang kalagayan ko. Lalo sigurong nawalan ng kabuluhan ang buhay ko’t kaluluwa. Subalit dumating ang kaibigan ko’t tagapagligtas-ang Diwa ng panahon; umalingawngaw sa lahat ng dako ang mga yabag niya. Nayanig sa paglapit niya ang palalo’t matatag na balangkas ng mga lumang tradisyon. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba nama’y pilit at bahagya lamang ngunit bumukas pa rin at pinapasok ang mga di-inanyayahang panauhin.
Sa wakes, nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako’y maglabing-anim na taon. Salamat sa Diyos! Malalabasan ko ang aking kulungan nang Malaya at hindi nakatali sa isang kung sinong bridegroom. At mabilis pang sumunod ang mga pangyayari nagpabalik sa aming mga babae ng mga nawala naming kalayaan.
Nang sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang Prinsesa (bilang Reyna Wilhemina ng Netherland), “opisyal” na inihandog sa amin ng mga magulang naming an gaming kalayaan. Sa kauna-unahang pagkakataon sa aming buhay, pinyagan kaming umalis sa bayan naming at pumunta sa siyudad na pinadarausan ng pagdiriwang para sa okasyong iyon. Anong dakila tagumpay iyon! Ang maipakita ng mga kabataang babaeng tulang naming ang sarili sa labas, na imposibleng mangyari noon. Nasindak ang “mundo” nagging usap-usapan ang “krimeng” iyon na dito’y wala pang nakagagawa. Nagsaya an gaming mga kaibigang European, at para naman sa amin, walang reynang yayaman pa sa amin. Subalit hindi pa ako nasisiyahan. LAgi, ibig kong makarating sa malayo, mas malayo. Wala akong hangaring makapamista, o malibang. Hindi iyon ang dahilan ng paghahangad kong magkaroon ng kalayaan. Ibig kong malaya upang makatayo ng mag-isa, mag-aral, hindia para mapailalim sa sinuman, at higit sa lahat, hindi para pag-asawahin nang sapilitan.
Ngunit dapat tayong mag-asawa, dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanang magagawa ng isang babaeng Muslim. Ito ang pinakamalaking maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa kanyang pamilya.
At ang pag-aasawa para sa amin-mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable. At paano nga ba hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas, kung pabor para sa lalaki at hindi para sa babae ang batas at kumbensyon; kung ang lahat ng kaluwaga’y para sa kanya lang?

Kultura't Kaugalian ng Pinoy... Yaman ng Nakraan, Pinagmamalaki ng Kasalukuyan

Kasingtanda ng pinakalumang bato
Nanggaling pa sa ating mga ninuno
Kabayaniha'y kita na noon pa man
Pinatalsik malulupit na dayuhan

Di natinig sa matutulis na armas
Ng mga taong galing sa bansang labas
Katapangang higit pa sa leon
Maipagtanggol lamang ang ating nasyon

Pinahirapan ng ilang daang taon
Subalit taas noo tayong bumangon
Walang ibang lahing 'sing determinado
Kundi ang lahi ng mga Pilipino

Pusong pinoy; purong-puro talaga
Matalungin sa bata at matatanda
Kapag mainit na pagtanggap ang hanap
Ang pinoy ay buong pusong yumayakap

Dumating sin Ondoy, Glenda, Yolanda
O, lungkot at kahirapan ang dinala
Ngunit ngiting pinoy, mahirap alisin
Nanatiling positibo't masayahin

Umuulan ma'y tuloy pa rin ang saya
Pahiyas, Maskara, at ang Panagbenga
Makukulay na pista ay dinarayo
Sa dahon ng saging nagsasalo-salo

Lechon, Laing, Adobo at Kare-kare
Sa sarap, mapapalundag ka sa ere
Ang lutong Pilipino, walang katapat
Sarap na hahanap-hanapin ng lahat

Mga jeep, kulay asul, berde at pula
Kung saan-saan natin pwedeng makita
Pambusog sa puso, pampyesta sa mata
Mga pinoy malikhain nga talaga!

Sa tanghalan, pinoy ay kahanga-hanga
Magaling sa pagsasayaw at pagkanta
Pati  ngipin, pinambabalat ng buko
Pilipino ay tunay na talentado

Pinoy na makakata nagsisilabasan
Pag pinag-uusapan ang panitikan
Pagsulat ng malalamang tula
Patok na patok sa panlasa ng madla

Di nagpapatalo sa uso ang Noypi
Tanyag sa'tin ngayon ang pagselfie-selfie
Facebook at Twitter, Pilipino'y naroon
Bukas isip naglalahad ng opinyon

Kaugaliang pinoy, di natatapos riyan
Makikita parin sa kasalukuyan
Ang kulturang ipinalaganap noon
Mananatili sa mahabang panahon

by: Precious Torres, CJ Badiola, Dan Gravito, Emil John Mila, Rose Delavina and Moissa Padin
9-Gorbachev, Naga City Science High School

Wednesday, July 2, 2014

Elehiya Kay Ram ni Pat Villafuerte

Kung ang kamatayan ay isang mahabang paglalakbay 
Di mo na kailangang humakbang pa 
Sapagkat simula't simula pa'y pinatay ka na 
Ng matitigas na batong naraanan mo 
Habang nakamasid lamang 
Ang mga batang lansangang nakasama mo 
Nang maraming taon. 
Silang nangakalahad ang mga kamay 
Silang may tangang kahon ng kendi't sigarilyo 
Silang may inaamoy na rugby sa madilim na pasilyo. 

Sa pagitan ng maraming paghakbang at pagtakbo 
Bunga ng maraming huwag at bawal dito 
Sa mga oras na nais mong itanong sa Diyos 
Ang maraming bakit at paano 
Ay nanatili kang mapagkumbaba at tanggaping ikaw'y tao 
At tanggapin ang uri ng buhay na kinagisnan mo. 
Buhay na hindi mo pinili dahil wala kang mapipili. 
Buhay na di mo matanggihan dahil nasa mga palad mo 
Ang pagsang-ayon, ang pagtango at pagtanggap 
Bilang bagong ama ng lima mong nakababatang kapatid. 

Ay, kaylamig ng sementadong mga baytang 
Ng gusali ng finance at turismo 
Habang pinatnubayan ka ng bilog na buwan 
At nagkikislapang mga bituin sa pagtulog mo. 
At bukas, at susunod na mga bukas, tulad ng maraming bukas 
Iyon at iyon din ang araw na sasalubong sa iyo. 
Nakangiti ngunit may pait 
Mainit ngunit may hapdi 
May kulay ngunit mapusyaw 
Paulit-ulit, pabalik-balik 
Pabalik-bai, paulit-ulit 
Ang siklo ng buhay na kinasadlakan mo. 

At isang imbensyon ang iyong nalikha 
Kayraming sa iyo ay lubusang humanga. 
Mula sa teoryang laba-kusot-banlaw-kula-banat, 
Napapaputi mo ang nag-iisang polong puti 
Sa tulong ng mga dahon. 
Napapaunat mo ang nag-isiang polong puti 
Sa ibabaw ng mga halaman. 
Napapabango mo ang nag-iisang polong puti 
Sa patak ng alcohol. 
Laba-kusot-banlaw-kula-banat. 
Laba-kusot-banlaw-kula-banat. 
Laba-kusot-banlaw-kula-banat. 

At habang hinahanap mo ang nawawala mong ama 
Upang may mahingan ka ng pambili ng libro 
O magsabit ng mga medalya sa dibdib mo 
Kayrami naming naging ama-amahan mo. 
Habang ang iyong ina'y nag-aalok ng kendi't sigarilyo 
Upang may maiapabaon sa iyo 
Kayrami naming naging ina-inahan mo. 
Habang namimighati ka sa harap ng kapatid mong 
Pinaslang sa Aristocrat, 
Kayrami naming naging kuya-kuyahan mo. 
Habang naghahanap ka ng mga taong kakaibiganin 
Upang magbahagi ng iyong karanasan 
Kayrami naming naging kaibigan mo. 
Sa PNU sumibol ang mga bagong ate mo. 
Sa PNU nalikha ang mga bagong kuya mo. 
Sa PNU nabuo ang bagong pamilya mo. 

Ay, ang uniporme pala'y napapuputi ng mga dahon 
At napauunat ng mga halaman; 
Ay, ang kalam ng sikmura pala'y napabubusog 
Ng pagtakam at pag-idlip; 
Ay, ang pagbabasa pala'y may hatid-tulong mula sa poste ng Meralco 
Habang nakatayo ka't tangan ang libro; 
Ay, ang sakit pala'y napagagaling 
Ng magdamag na paglimot; 
Ay, ang paliligo pala't paggamit ng banyo 
Ay may katumbas na piso; 
Ay, ang pangungulila pala'y nahahawi 
Ng pag-awit at pagsulat. 
Umaawit ka't sumusulat 
Sumusulat ka't umaawit. 
Habang ang titik na nalilikha'y 
Walang himig ng harana 
Walang tinig ng kundiman 
Walang indayog ng oyayi. 

At ang mundo mo'y nabago ng pag-ikot 
Ikot pakaliwa, ikot pakanan 
Ikot paitaas, ikot paibaba 
Ikot papaloob, ikot papalabas 
Pangalan mo'y parang bulaklak na humahalimuyak 
Simbango ng pabango mong iwiniwisik 
Sa katawan mong walang pilat 
Binabanggit-banggit saan mang lugar 
Sinasambit-sambit ng mga guro't mag-aaral. 
Ilang bituin s alangit ang hinangad mong sungkutin 
Ilang saranggola sa ulap ang ninais mong maangkin 
Kung ang mga bituin sana'y di nagkulang ng kinang at ningning 
Sana, kahit kometa'y ilalatag ko't sa mga palad mo'y aking ihahain 
Kung ang saranggola sana'y di dinagit ng hangin 
Sana guryon itong sabay nating bubuuin. 

Ay, wala na. 
Tuluyan nang naglaho ang kinang at ningning ng mga bituin. 
Tuluyan nang humalik sa lupa ang saranggolang dinagit ng hangin. 
Sa paglalakbay mo, 
Ang naiwan sa amin ay isang blangkong papel 
Di naming matuldukan upang mapasimulan ang isang pagguhit. 
Di naming maguhitan upang maitala ang maraming katanungan. 
Di namain matanong upang hingan nang kalinawan. 
Sana, sa paglalakbay mo'y makahuli ka ng mga sisiw 
Sana, sa paglalakbay mo'y may matanggal na piring 
Sana, sa paglalakbay mo ay may timbangan kang maaangkin. 

At kapag natupad ito 
Kaming mga nakasama mo 
Kaming mga nagmahal sa iyo 
Ay lilikha ng bagong himno ng paglalakbay 
Isang himnong ang mga titik ay kalinisan ng puso 
Isang himnong may himig ng pananagumpay 
Dahil para sa amin, 
Ikaw ang himno 
May puso kang malinis 
Kaya't dito sa lupa'y ganap kang nagtagumpay. 
Sa kabilang buhay, ikaw pa rin ang magtatagumpay.

Monday, June 16, 2014

Alamat ni Prinsesa Manorah (Salin ni: Dr. Romulo N. Peralta)

Ang Alamat ni Prinsesa Manorah (Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N. Peralta) Isang alamat na pasalin-salinsa iba’t ibang panahon at henerasyon mula noong panahonng Ayutthaya at nagbigay- inspirasyon kay Haring Rama V ng Thailand.


Si Kinnaree Manorah ay isang prinsesang alamat ng Thai at ang pinakabata sa pitong anak na kinnaree ng Haring Prathum at Reynang Janta kinnaree. Siya ay nakatira sa maalamat na kaharian ng Bundok Grairat. Ang pitong kinnaree ay kalahating babae at kalahating sisne. Sila’y nakalilipad at nagagawang itago ang kani-kanilang pakpak kung kanilang nanaisin. Saloob ng kahariang Krairat (Grairat), nakatago ang kagubatan ng Himmapan kung saan din namamahay ang mga nakatatakot nanilalang na hindi kilala sa daigdig ng mga tao. Sa loob ng kagubatan, nakakubli ang maganda at kaaya-ayang lawa kung saan ang pitong kinnaree ay masayang dumadalaw lalo na sa araw ng Panarasi (kalakihan ng buwan). Sa di-kalayuan ng lawa, nakatira ang isang ermitanyo na nagsasagawa ng kaniyang meditasyon. Isang araw, napadako ang isang binata habang naglalakbay sa kagubatan ng Himmapan. Siya ay si Prahnbun. Nakita niya ang pitong kinnaree na masayang nagtatampisaw sa ilog. Namangha siya sa nakabibighaning kagandahan ni Prinsesa Manorah. Naisip niya na kung mahuhuli niya ang prinsesa, dadalhin niya ito kay Prinsipe Suton, ang anak ng Haring Artityawong at Reyna Jantaivee ng Udon Panjah. Tiyak na matutuwa ang prinsipe at tuluyang mapapaibig ito sa prinsesa. Ngunit naitanong niya sa sarili kung paano niya ito mahuhuli. Alam ni Prahnbun na may ermitanyong nakatira sa malapit ng kagubatan. Pinuntahan niya ito upang magpatulong sa kaniyang balak. Sinabi saka niya ngermitanyo na napakahirap ang manghuli ng kinnaree dahil agad-agad itong lumilipad kapag tinatakot. Ngunit naisip ng ermitanyo na may isang dragon nanakatira sa pinakasulok-sulukan ng kagubatan na maaaring makatulong sa kanila. Nagpasalamat ang binata sa ermitanyo at nagmamadaling lumisan upang hanapin ang dragon. Hindi natuwa ang dragon nang marinig ang balak ni Prahnbun, ngunit napapayag din itong bigyan niya si Prahnbun ng makapangyarihang lubid na siyang panghuhuli niya sa Prinsesa Manorah. Nagpasalamat ang binata at patakbong umalis na dala-dala ang makapangyarihang lubid at patagong tinungo ang ilog kung saan naglalaro ang mga kinnaree. Habang abala sa paglalaro ang mga kinnaree, inihagis ni Prahnbun ang lubid at matagumpay na nahuli si Prinsesa Manorah. Ganun nalamang ang pagkaawa ng ibang mga kapatid ng prinsesa. Ngunit sila’y walang nagawa kundi agad- agad nalumipad dahil sa takot na sila rin ay paghuhulihin. Itinali nang mahigpit ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah upang hindi makawala at tuluyang madala pabalik sa Udon Panjah at maibigay kay Prinsipe Suton nanoo’y naglalakbay rin sakay sa kabayo papunta sa kagubatan. Nakasalubong niya si Prahnbun dala-dala si Prinsesa Manorah. Agad-agad na naakit sa kagandahan ni Prinsesa Manorah ang prinsipe. Nang isalaysay ni Prahnbun kay Prinsipe Suton ang dahilan kung bakit niya hinuli at dinala ang prinsesa sa harap niya, nagpasalamat ang prinsipe at binayaran siya nito ng napakalaking halaga. Nagbalik ang prinsipe sa kaniyang palasyo dala-dala si Prinsesa Manorah kung saan umusbong ang isang tunay na pag-ibig sa isa’t isa. Nang sabihin ng prinsipe sa kaniyang inang prinsesa at amang hari angbuong pangyayari, masayang-masaya sila at agad-agad nagbalak na magsagawa ng kasalpara kina PrinsipeSuton at PrisesaManorah. Bumalik sila sa palasyo ng Udon Panjah kung saan isinagawa ang kasal at tuluyang namuhay nang masaya’t matiwasay habambuhay.

Monday, February 3, 2014

The Taxi Man's Story by Catherine Lim

Very good,Madam.Sure,will take you there in plenty good time for your meeting,Madam.This way better,less traffic,less car jams.Half hour should make it,Madam,so not to worry.
   What is it you say,Madam?Yes,yes,ha,ha,been taximan for twenty years now,Madam.Long time ago,Singapore not like this–so crowded so busy.Last time more peaceful,not so much taximen,or so much cars and buses.
   Yes,Madam,can make a living.So so.What to do.Must work hard if wants to success in Singapore.People like us,no education,no capital for business,we must sweat to earn money for wife and children.
   Yes.Madam,quite big family–eight children,six sons,two daughters.Big family!Ha!ha!No good,Madam.In those days,where got Family Planning in Singapore?People born many,many children,every year,one childs.Is no good at all.Today is much better.Two children,three children,enough,stop.Our goverment say stop.
   Lucky for me,all my children big now.Four of my sons working–one a businessman,two clerks,one a teacher in Primary school,one in National Service,one still schooling,in Secondary Two.My eldest daughter,she is twenty plus,stay at home,help the mother.No,not married yet–very shy,and her health not so good,but a good,obedient girl.My other girl–Oh,Madam!very hard for father when daughter is no good and go against her parents.Very sad,like punishment from God Today,young people not like us when we are young.We obey.Our parents say don’t do this,we never do.Otherwise,the cane.My father cane me,I was big enough to be married,and still,got caning.My father he was very strict,and that is good thing for parents to be strict.If not,young boys and girls become very useless.Do not want to study,but run away,and go to night clubsand take drugs and make love.You agreewith me.Madam?Today,young people they are very trouble to their parents.Madam,you see this young people over there,outside the coffee-house?See what I mean,Madam?They are only schoolboys and schoolgirls,but they act like big shots,spending money,smoking,waering latest fashion,and making love.Ah Madam,I know,I know!As taximan,I know them and their habits.Madam,you are a teacher,you say?You know or not that young schoolgirls,fifteen,sixteen years old,they go to school in the morning in their uniforms and then after school,they don’t go home,they have clothes in their schoolbag,and they go to public lavatory or hotel and change into these clothes,and they put make-up on their face.Their parents never know.They tell their Mum got school meeting,got sports and games,this,that,but they really come out and play the fool.Ah,Madam,I see yuo surprise,but I know,I know all their tricks.I take them about in my taxi.They usual is wait in bowling alley or coffee house or hotel,and they walk up,and friend,friend,the European and American tourists,and this is how they make fun and also extra money.Madam,you believe or not when I tell you how much money they got?I say!Last night,Madam,this young girl,very pretty and made-up,and wear sexy dress,she told me take her to Orchid Mansions–this place famous,Madam,fourth floor flat–and she open her purse to pay me,and I say!all American notes–ten dollar notes all,and she pull one out and say keep change!as she has no time already.Madam,I tell you this,every month,I got more money from these young girls and their American and European boyfriends in my taxi,more than I  get from other people who bargain and say don’t want go by meter and wait even for ten cents change.Phui!!Some of them really make me mad.But these young girls and their boyfriends don’t bargain,they just pay,pay,and they make love in taxi so much they don’t know if you go round and round and charge them by meter!I tell you,Madam,some of them don’t care how much they spend on taxi.It is like this:after 1p.m. taxi fare double,and I prefer working this time,because naturally,much more money.I go and wait outside Elroy Hotel or Tung Court or Orchid Mansions,and such enough,Madam,will have plenty business.Last Saturday,Madam,no joking,on one day alone I make nearly one hundred and fifty dollars!Some of it for services.Some of tourists don’t know where,so I tell them and take them there,and that’s extra money.Ah Madam,if I tell you all,no end to the story.But I will tell you this,Madam.If you have young daughter and she say Mummy I got meeting today in school and will not come home,you must not say,Yes,yes,but you must go and ask her where and why and who,and you find out.Today young people not to trust,like young people in many years ago.Oh,Madam,I tell you because I myself have a daughter–oh,Madam,a daughter I love very much,and she is so good and study hard.And I see her report cards and her teacher write’Good work’and ‘Excellent’so on,so on.Oh,Madam,she my favourite child,and I ask her what she want to be after left school,and she says go to University.None of my other children could go to University,but this one,she is very smart and intelligent–no boasting,Madam–her teachers write ‘Good’and ‘Excellent’,and so on,so on,in her report cards.She study at home,and help the mother,but sometimes a little lazy,and she say teacher want her to go back to school to do extra work,extra coaching,in her weak subject,which is maths,Madam.So I let her stay back in school and day after day she come home in evening,then she do her studies and go to sleep.Then one day,oh Madam,it make me so angry even now–one day,I in my taxi driving,driving along and hey!I see a girl looking like my Lay Choo,with other girls and some Europeans outside a coffee-house but I think,it cannot be Lay Choo,how can,Lay Choo is in school,and this girl is all dressed up and make-up,and very bold in her behaviour,and this is not like my daughter at all.Then they go inside the coffee-house,and my heart is very,very–how you describe it,Madam,My heart is very ‘susah hati’and I say to myself,I will watch that Lay Choo and see her monkey tricks.The very next day she is there again I stop my taxi,Madam,and I am so angry.I rush up to this wicked daughter and I catch her by the shoulders and neck,and slap her and she scream,but I don’t care.Then I drag her to my taxi and drive all the way home,and at home I thrash the stupid food and I beat her and slap her till like hell.My wife and some neighbours they pull me away,and I think if they not pull me away,I sure to kill that girl.I lock her up in her room for three days,and I ashamed to tell her teacher,so I just tell the teacher that Lay Choo is sick,so please to excuse her.Oh,Madam,how you feel in my place?Make herself so cheap,when her father drive taxi all day to save money for her University.What is it,Madam?Yes,yes,everything okay now,thank you.She cannot leave the house except to go to school,and I tell her mother always check,check in everything she do,and her friends–what sort of people they are…What,Madam?Oh,so sorry,Madam,cannot wait for you to finish your meeting.Must go off,please to excuse me.In a hurry,Madam.Must go off to Hotel Elroy–there plenty people to pick up.So very sorry,Madam,and thank you very much. 

Note: This is not my property.

Tuesday, August 6, 2013

Uhaw ang Tigang na Lupa by Liwayway Arceo

1Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at nikikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi...2Ilang araw ko nang hindi nadadalaw ang aklatan: ilang araw ko nang hindi nasasalamin ang isang larawang mahal sa akin: bilugang mukha, malapad na noo, hati-sa-kaliawang buhok, singkit na mga mata, hindi katangusang ilong, mga labing duyan ng isang ngiting puspos-kasiyahan...Sa kanya ang aking noo at mga mata. Ang aking hawas na mukha, ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, at maninipis na labi, ay kay Ina...3Sa Ina ay hindi palakibo: siya ay babaing abilang at sukat ang pangungusap. Hindi niya ako inuutusan. Bihira siyang magalit sa akin at kung nagkakagayon ay maikli ang kanyang pananalita: Lumigkit ka!...At kailangang ‘di ako makita. Kailangang ‘do ko masaksihan ang kikislap na poot sa kanyang mga mata. Kailangang ‘di ko namamalas ang pagkagat niya sa kanyang labi. Kailangang ‘do ko na makita ang panginginig ng kanyang mga daliri. Ito rin ang katumbas ng kanyang mariing huwang kung mayroon siyang ipinagbabawal.Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw...4Minsan man ay hindi ko narinig na may pinagkagalitan sila ni Ama bagama’t hindi ko mapaniwalaang may magkabiyak ng pusong hindi nagkakahinampuhan. Marahil ay sapagkat kapwa sila may hawak na kainawaan: ang pagbibigayan sa isa’t isa ay hindi nalilimot kailanman.5Kung gabi ay hinahanap ko ang kaaliwang idinudulat ng isang amang nagsasalaysay tungkol sa mga kapre at nuno at tungkol sa magagandang ada at prinsesa; ng isang nagmamasid at nakangiting ina; ng isang pulutong ng nakikinig na magaganda at masasayang bata.Ngunit, sa halip niyon ay minalas ko si Ama sa kanyang pagsusulat; sa kanyang pagmamakinilya; sa kanyang pagbabasa. Minamasdan ko kung paano niya pinapangunot ang kanyang noo; kung paano niya ibinubuga ang asong nagbubuhat sa kanyang tabako; kung paano siya titingin sa akin na tila may hinahanap; kung paano niya ipipikit ang kanyang mga mata; kung paano siya magpapatuloy sa pagsulat...Si Ina ay isang magandang tanawin kung nanunulsi ng mga punit na damit; kung nag-aayos ng mga uhales at nagkakabit ng mga butones sa mga damit ni Ama. Sa kanyang pagbuburda ng aking mga kamison at panyolito – sa galaw ng kanyang mga daliri – ay natutunghan ko ang isang kapana-panabik na kuwento. Ngunti, ang pananabik na ito’y napapawi.Kabagu-tbagot ang aking pag-iisa at ako ay naghahanap ng kasama sa bahay: isang batang marahil ay nasa kanyang kasinungalingang gulang o isang saggol na kalugud-lugod, may ngiti ng kawalang-malay, mabango ang hininga, may maliit na paa at kamay na nakatutuwang pisilin, may mga pisngi at labing walang bahid-kasalanan at kasiya-siyang hagkan, o isang kapatid ba kahulihan ng gulang, isang maaaring maging katapatan...6Sakali mang hindi nagkagalit si Ina at Ama, o kung nagkakagalit man ay sadyang hindi ipinamamalay sa akin, ay hinahanap ko rin ang magiliw na palitan ng mga titig, ng mga ngiti, ng mga biruan.Sapat na ang isang tuyot na aalis na ako sa pagpapaalam ni Ama. Sapat na ang naningil na ang maniningil sa ilaw o sa tubig o sa telepono upang sakupin ang panahong itatagal ng isang hapunan. Sapat na panakaw sa sulyap ni Ama upang ipadamang may naririnig siya.Mabibilang sa mga daliri ng aking dalawang kamay kung makailan kaming nagpasyal: Si Ama, si Ina at ako. Malimit na ako ang kasama ni Ina; hindi ko nakitang sinarili nila ang pag-aaliw.7Inuumaga man si Ama sa pag-uwi kung minsan ay hindi ko kinapapansinan ng kakaibang kilos si Ina. Nahihiga rin siya pagdating ng mga sandali ng pamamahinga at kung nakatutulog siya o hindi ay hindi ko matiyak.Marahil ay ito ang tunay na madarama ng kataling-puso ng isang taong inaangkin ng madla...Ngunit, walang pagsisisi sa kanyang tinig.8Ilang taon na ngayon ang nakaraan nang minsang may ibinalik na aklat ang aming tagapaglaba: yaon daw ay nakuha niya sa isang lukbutan ng amerikana ni Ama. Ibinigay ko yaon kay Ina: yaon daw ay talaarawan ni Ama.Kinabukasan ay may bakas ng luha ang mga mata ni Ina. Kapansin-pansin ang lalo niyang hindi pagkabo buhat noon. Lalo siyang naging malungkot sa aking paningin.Ano ang nasa isang talaarawan?9Lasing na lasing si Ama. Karaniwan nang umuuwing lasing si Ama ngunit, kakaiba ang kalasingan niya nagyong gabi. Hinihilamusan siya ni Ina ng malahiningang tsaa, ngunit wala itong naibigay na ginhawa.Hindi rin kumikino si Ina: nasa mga mata niya ang hindi maipahayag na pagtutol.Sapagkat may isusulat ako...sapagkat ikamamatay ko ang pighating ito...sapagkat...sapagkat...sapagkat...10Idinaraing ngayon ni Ama ang kanyang dibdib at ulo: hindi raw siya makahingang mabuti.Marahil ay may sipon ka, ani ina. Sinisinat ka nga.Isang panyolitong basa ng malamig na tubig ang itinali ko sa ulo ni Ama. Wala siyang tutol sa aking ginagawa. Sinusundan niya ng tingin ang bawat kilos ko.Ang kanyang mga bisig, buhat sa siko hanggang sa palad, at ang kanyang binti, buhat sa tuhod hanggang sa mga talampakan, ay makailan kong binuhusan ng tubig na mainit na inakala kong matatagalan niya – tubig na pinaglagaan ng mga dahong ng alagaw. Kinulob ko siya ng makakapal na kumot matapos na inumin niya ang ibinigay kong mainit na tubig na pinigaan ng kalamansi.Nakangiti si Ama: Manggagamot pala ang aking dalaga!Sinuklian ko ng isang mahinang halakhak ang ngiti niyang yaon: hindi ako dating binibiro ni Ama.Sana’y ako si na sa mga sandaling yaon: sana’y lalo kong ituturing na mahalaga ang nadarama kong kasiyahan...11Nabigo ako sa aking pag-asa: nakaratay nang may ilang araw si Ama. Halos hindi siya hinihiwalayan ni Ina: si ilalim ng kanyang mga mata ay may mababakas na namang maiitim na guhit.Anang manggagamot ay gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya. Ngunit, ayaw niyang ipagtapat sa akin ang karamdaman ni Ama.12Ipinaayos ngayon ni Ama ang kanyang hapag. Nililinis ko ang kanyang makinilya. Idinikit ko ang kagugupit na kuwentong kalalathala pa lamang. Pinagsama-sama ko ang mga papel sa kanyang mga kahon.Ang pang-ilalim na kahon ng kanyang hapag ay nagbigay sa akin ng hindi gagaanong pagtataka: may isang kahitang pelus na rosas at isang salansan ng mga liham. Maliliit at mga bilugang titik bughaw na tinta sa pangalan ni Ama sa kanyang tanggapan ang mga nasa sobre.13Ang larawan sa kahitang pelus ay hindi yaong hawas na mukha, may ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, maninipis na labi. Sa likod niyon ay nasusulat sa maliliit at bilugang mga titik sa bughaw na tinta: Sapagkat ako’y hindi makalimot... Ang larawan ay walang lagda ngunit nadama ko ang biglang pagkapoot sa kanyang at sa mga sandaling yaon ay natutuhan ko ang maghinanakit kay Ama.14Bakit sa panahong ito lamang tayo pinaglapit ng pangyayari? Higit marahil ang aking katiwasayan kung hindi ka dumating sa aking buhay, bagamat hindi ko rin marahil matitiis na hindi maipagpalit ang aking kasiyahan sa isang pusong nagmamahal. Totoong ang kalagayan ng tao sa buhay ang malimit maging sagwil sa kanyang kaligayahan...15Naiwan na natin ang gulang ng kapusukan; hindi na tayo maaaring dayain ng ating nadarama. Ngunit, nakapagitan sa atin ngayon ang isang malawak na katotohanang pumupigil sa kaligayahan ang hindi natin maisakatuparan ay buhayin na lamang natin sa alaala. Panatilihin na lamang natin sa diwa ang katamisan ng isang pangarap; sana’y huwag tayong magising sa katotohanan...16Nakita ko siya kagabi sa panaginip; sinusumbatan niya ako. Ngunit, hindi ko balak ang magwasak ng isang tahanan. Hindi ko maatim na mangnakaw ng kanyang kaligayahan; hindi ko mapababayaang lumuha siya dahil sa akin. Ang sino mang bahagi ng iyong buhay ay mahal sa akin; ang mahal sa akin ay hindi ko maaaring paluhain...17Ang pag-ibig na ito’y isang dulang ako ang gumaganap ng pangunahing tauhan; sapagkat ako ang nagsimula ay ako ang magbibigay-wakas. Ipalagay mo nang ako’y nasimulang tugtuging nararapat tapusin. Gawin mo akong isang pangarap na naglalaho pagkagising. Tulungan mo akong pumawi sa kalungkutang itong halos pumatay sa akin...18Ngunit, bakit napakahirap ang lumimot?19Nadama ko ang kamay ni Ina sa aking kanang balikat: noon ko lamang namalayan na may pumasok sa aklatan. Nakita niya ang larawang nasa kahitang pelus na rosas. Natunghan niya ang mga liham na nagkalat sa hapag ni Ama.Si Ina ay dumating at lumisang walang binitiwang kataga. Ngunit, sa kanyang paglisan ay muling binati ng kanyang palad ang aking balikat at nadarama ko pa ang salat ng kanyang mag daliri; ang init ng mga iyo, ang bigat ng kanilang pagkakadantay...20Ang katahimikang namagitan sa amin ni Ina ay hindi pa napapawi. Iniiwasan ko ngayon ang pagsasalubong ng aming mga titig; hindi ko matagalan ang kalungkutang nababasa ko sa mga paninging yaon.21Hiningi ni Ama ang kanyang panulat at aklat-talaan. Nguni, nang mapaniwala ko siyang masama sa kanyang ang bumangon ay kanyang sinasabi: Ngayon ay ang aking anak ang susulat nang ukol sa atin...At sa anya’y isang dalubhasang kamay ang uukit niyon sa itim na marmol. Ngunit, hindi ko maisatitik ang pagtutol na halos ay pumugto sa aking paghinga.Nasa kalamigan ng lupa ang kaluwalhatian ko!Kailanman ay hindi ko aangkining likha ng aking mga daliri ang ilang salitang ito.22Huwag kang palilinlang sa simbuyo ng iyong kalooban; ang uang tibok ng puso ay hindi pag-ibig sa tuwina...Halos kasinggulang mo ako nang pagtaliin ang mga puso namin ng iyong Ina...Mura pang lubha ang labingwalang taon...Huwag ikaw ang magbigay sa iyong sarili ng mga kalungkutang magpapahirap sa iyo habang-buhay...Muli kong nadama ang tibay ng buhol na nag-uugnay ng damdamin ni Ama sa akin.23Kinatatakutan ko na ang malimit na pagkawala ng diwa ni Ama.Si Ina ay patuloy sa kanyang hindi pagkibo sa akin, patuloy sa kanyang hindi pag-idlip, patuloy sa kanyang pahluha kung walang makakita sa kanya...24Ang kanang kamay ni Ina ay idinantay sa noo ni Ama at ang pagtatanan ng isang nais tumakas na damdamin sa kanyang dibdib ay tinimpi ng pagdadaop ng kanyang ngipin sa labi.Naupo siya sa gilid ng higaan ni Ama at ang kaliwang kamay nito ay kinulong niya sa kanyang mga palad.Magaling na ako, mahal ko...magaling na ako...sa muli mong pagparito ay sabihin mo sa akin kung saan tayo maaaring tumungo...ang moog na itong kinabibilangguan ko’y aking wawasakin...sa ano mang paraan...sa ano mang paraan...Ang malabubog na tubig na bumabakod sa mga pangingin ni Ina ay nabasag at ilang butil niyo ang pumatak sa bisig ni Ama. Mabibigat na talukap ang pinilt na iminulat ni Ama at sa pagtatagpo ng mga titig nila ay gumuhit sa nanunuyo niyang labi ang isang ngiting punung-puno ng pagbasa. Muling nalapat ang mga durungawang yaon ng isang kaluluwa at hindi niya namasid ang mga matang binabalungan ng luha: ang mga salamin ng pagdaramdam na hindi mabigkas.25Nasa mga palad pa rin ni Ina ang kaliwang kamay ni Ama:Sabihin mo, mahal ko, na maaangkin ko na ang kaligayahan ko...Kinagat ni Ina nang mariin ang kanyang labi at nang siya’y mangusap ay hindi ko naaming kay Ina ang tinig na yaon:Maaangkin mo na, mahal ko!Ang init ng mga labi ni Ina ang kasabay ng kapayapaang nanahanan sa mga labi ni Ama at nasa mga mata man niya ang ilaw ng pagkabigo sa pagdurugtong sa isang buhay na wala nang luhang dumadaloy sa mga iyon: natitiyak niya ang kasiyahang nadama ng kalilisang kaluluwa...
Note: This is not my property.