Thursday, January 24, 2013

Banggaan!

Papalapit na ang halalan. Tumitindi na rin ang banggaan ng mabibigat na pulitiko. Isang malaking halimbawa sa mga banggaang ito ang banggang Villafuerte kung saan ang magkakalaban ay... Mag-ama at maglolo.

"Sa Pilipinas lang mo lang ito makikita," ika nga ng ibang tao. Dito ka lang kasi makakasaksi ng pamilyang sa halip na magka-isa ay magkakalaban pa. Papainit ng papainit at patindi ng patindi ang sagupaan ng tatakbong gobernador na sina Luis Villafuerte, at Miguel Villafuerte at ng tatakbong kinatawan na si L-Ray Villafuerte.

Maraming mamamayan ang nagtatanong kung bakit sila nagsasagupaan. Marami din ang nagsasabi na hindi sila nagiging magandang huwaran sa iba.

Tama ba na ang kanilang ginagawa? Makakatulong ba ito sa bansa o magpapalala ng ating kalagayan?

Marami-rami na rin ang naitulong nila sa Camarines Sur. Mga pabahay, mga pagpapaayos ng paaralan, at iba pang proyekto. Ngunit, lahat ng ito ay walang silbi kung walang mga taong magtutulong-tulong para ito ay mabuo. Wala rin ito kung walang isang diwa na nagkakaisa.

Heto ngayon ang hamon sa mag-aama at maglolo. Alin ang mas makabubuti sa bansa, ang pagkakaisa o ang pagwawatak-watak? Ngayon, sino ang dapat manguno sa inyo? Sino ang tama? Ang mali? Magkaisa tayo at simulan natin sa ating pamilya, dahil ang progreso ay nagsisimula sa pagkakaisa.

Mga Villafuerte, paano kayo magiging huwaran?

Wednesday, January 23, 2013

Takdang Aralin: Filipino

"Binigyan tayo ng Diyos ng bibig para makapagsalita at utak para makapag-isip."

Madalas ko itong naririnig sa aking mga magulang o kung minsan nga ay ng ating mga magulang. Marahil siguro ay sinasabi nila sa atin ito sa atin upang iparating na lahat ng bagay ay may silbi. Siguro rin ay para sabihin na gamitin natin ang mga bagay na ibinigay sa atin ng Diyos, sa tamang paraan.

Tama naman sila. May bibig tayo para makapagsalita. Aminin na natin na minsan ay ginagamit natin ang ating bibig sa maling paraan o minsan naman ay hindi natin ito ginagamit. Naranasan niyo na ba na tinatanong ka ng iyong guro at hindi ka nakapagsalita? O kaya nama'y nakikipagkuwentuhan ka sa iyong mga kaibigan sa napakalakas na boses? Madalas mangyari ito. Baliktad hindi ba? Dapat ay ipahayag natin ang ating mga saloobin  at opinyon sa tamang boses o paraan at kapag nakikipagkuwentuhan naman ay yung sapat na boses lang. 

Isa pa sa mga sinasabi ng ating mga magulang ang linyang "Ang utak ay para sa pag-iisip". Tama na naman uli sila. Sabi nga sa isang biro, "Kapag ang utak hindi gamit, mahal ito kapag ibinenta." Oo nga. Minsan ay nag-iisip tayo ng mga masasamang bagay tungkol sa ibang tao ngunit hindi rin natin naiisip na mali ito. Sa halip na mag-isip tayo ng masasamang bagay, bakit kaya ay hindi natin ito igugol sa pag-iisip ng mga bagay na makatutulong sa sarili mo, sa iba at sa mundo. Sa ganoong paraan, ay nagagamit ang utak sa wastong paraan.

Ito na ang katotohanan, na ang lahat ng bagay ay may silbi. Maliit man o malaki, may tamang paraan ng paggamit nito. Isali na natin ang utak at bibig na mahalaga kaninuman. Gamitin natin ito ng wasto, para makatulong sa iba at sa sarili mo.