Monday, June 16, 2014

Alamat ni Prinsesa Manorah (Salin ni: Dr. Romulo N. Peralta)

Ang Alamat ni Prinsesa Manorah (Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N. Peralta) Isang alamat na pasalin-salinsa iba’t ibang panahon at henerasyon mula noong panahonng Ayutthaya at nagbigay- inspirasyon kay Haring Rama V ng Thailand.


Si Kinnaree Manorah ay isang prinsesang alamat ng Thai at ang pinakabata sa pitong anak na kinnaree ng Haring Prathum at Reynang Janta kinnaree. Siya ay nakatira sa maalamat na kaharian ng Bundok Grairat. Ang pitong kinnaree ay kalahating babae at kalahating sisne. Sila’y nakalilipad at nagagawang itago ang kani-kanilang pakpak kung kanilang nanaisin. Saloob ng kahariang Krairat (Grairat), nakatago ang kagubatan ng Himmapan kung saan din namamahay ang mga nakatatakot nanilalang na hindi kilala sa daigdig ng mga tao. Sa loob ng kagubatan, nakakubli ang maganda at kaaya-ayang lawa kung saan ang pitong kinnaree ay masayang dumadalaw lalo na sa araw ng Panarasi (kalakihan ng buwan). Sa di-kalayuan ng lawa, nakatira ang isang ermitanyo na nagsasagawa ng kaniyang meditasyon. Isang araw, napadako ang isang binata habang naglalakbay sa kagubatan ng Himmapan. Siya ay si Prahnbun. Nakita niya ang pitong kinnaree na masayang nagtatampisaw sa ilog. Namangha siya sa nakabibighaning kagandahan ni Prinsesa Manorah. Naisip niya na kung mahuhuli niya ang prinsesa, dadalhin niya ito kay Prinsipe Suton, ang anak ng Haring Artityawong at Reyna Jantaivee ng Udon Panjah. Tiyak na matutuwa ang prinsipe at tuluyang mapapaibig ito sa prinsesa. Ngunit naitanong niya sa sarili kung paano niya ito mahuhuli. Alam ni Prahnbun na may ermitanyong nakatira sa malapit ng kagubatan. Pinuntahan niya ito upang magpatulong sa kaniyang balak. Sinabi saka niya ngermitanyo na napakahirap ang manghuli ng kinnaree dahil agad-agad itong lumilipad kapag tinatakot. Ngunit naisip ng ermitanyo na may isang dragon nanakatira sa pinakasulok-sulukan ng kagubatan na maaaring makatulong sa kanila. Nagpasalamat ang binata sa ermitanyo at nagmamadaling lumisan upang hanapin ang dragon. Hindi natuwa ang dragon nang marinig ang balak ni Prahnbun, ngunit napapayag din itong bigyan niya si Prahnbun ng makapangyarihang lubid na siyang panghuhuli niya sa Prinsesa Manorah. Nagpasalamat ang binata at patakbong umalis na dala-dala ang makapangyarihang lubid at patagong tinungo ang ilog kung saan naglalaro ang mga kinnaree. Habang abala sa paglalaro ang mga kinnaree, inihagis ni Prahnbun ang lubid at matagumpay na nahuli si Prinsesa Manorah. Ganun nalamang ang pagkaawa ng ibang mga kapatid ng prinsesa. Ngunit sila’y walang nagawa kundi agad- agad nalumipad dahil sa takot na sila rin ay paghuhulihin. Itinali nang mahigpit ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah upang hindi makawala at tuluyang madala pabalik sa Udon Panjah at maibigay kay Prinsipe Suton nanoo’y naglalakbay rin sakay sa kabayo papunta sa kagubatan. Nakasalubong niya si Prahnbun dala-dala si Prinsesa Manorah. Agad-agad na naakit sa kagandahan ni Prinsesa Manorah ang prinsipe. Nang isalaysay ni Prahnbun kay Prinsipe Suton ang dahilan kung bakit niya hinuli at dinala ang prinsesa sa harap niya, nagpasalamat ang prinsipe at binayaran siya nito ng napakalaking halaga. Nagbalik ang prinsipe sa kaniyang palasyo dala-dala si Prinsesa Manorah kung saan umusbong ang isang tunay na pag-ibig sa isa’t isa. Nang sabihin ng prinsipe sa kaniyang inang prinsesa at amang hari angbuong pangyayari, masayang-masaya sila at agad-agad nagbalak na magsagawa ng kasalpara kina PrinsipeSuton at PrisesaManorah. Bumalik sila sa palasyo ng Udon Panjah kung saan isinagawa ang kasal at tuluyang namuhay nang masaya’t matiwasay habambuhay.

41 comments:

  1. Shet akala ko kung kaninong blog to sayo pala hahahahaha thanks btw lol

    ReplyDelete
  2. Hi emil :D hahah bianca ni. tsk. saimo palan ni. ^kakasabi lang haha

    ReplyDelete
  3. Hi! :) Di ko kayo ma gets guyth -_- :)

    ReplyDelete
  4. Alam ninyo yung kahulugan pm ninyo nalang thanks

    ReplyDelete
  5. parang di kompleto ang story
    buod po ba yan.

    ReplyDelete
  6. bakit po ito tinawag na alamat

    ReplyDelete
  7. hnd man lang cnabi kung paano nafall c prinsesa manorah!

    ReplyDelete
  8. thank you s nag gawa nila di man lng sina bi kung pano sila na fall sa isat isa hahahahahahahaha

    ReplyDelete
  9. charot aral muna tayo mabuti tamang search lang

    ReplyDelete
  10. Ate buod ba to? saan po ba mahahanap whole story? Ano pa po ang iba ninyong kaalaman sa kwentong ito?

    ReplyDelete
  11. bakeet palagi tayong talo sa pilian? porket panget?ganon nalang balewalain?

    ReplyDelete
  12. It's not too late to claim your FREEBIE of 350MB for surfing valid for 3 days. Simply load a total of P65 by 02/12/21. Share-A-Load not included. if you've already claimed your freebie, please disregard this message. REF#: DGR65

    ReplyDelete
  13. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  14. aba prinsesa manorah, manhid ka ba, hinuli ka! kinidnap ka!

    ReplyDelete
  15. wala po bang date or year kung kailan po ito na-translate ni Dr. Romulo N. Peralta into Filipino?

    ReplyDelete
  16. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  17. Thank you po the story is great at malaking tulong sa studies ko

    ReplyDelete