Sunday, August 3, 2014

Kultura't Kaugalian ng Pinoy... Yaman ng Nakraan, Pinagmamalaki ng Kasalukuyan

Kasingtanda ng pinakalumang bato
Nanggaling pa sa ating mga ninuno
Kabayaniha'y kita na noon pa man
Pinatalsik malulupit na dayuhan

Di natinig sa matutulis na armas
Ng mga taong galing sa bansang labas
Katapangang higit pa sa leon
Maipagtanggol lamang ang ating nasyon

Pinahirapan ng ilang daang taon
Subalit taas noo tayong bumangon
Walang ibang lahing 'sing determinado
Kundi ang lahi ng mga Pilipino

Pusong pinoy; purong-puro talaga
Matalungin sa bata at matatanda
Kapag mainit na pagtanggap ang hanap
Ang pinoy ay buong pusong yumayakap

Dumating sin Ondoy, Glenda, Yolanda
O, lungkot at kahirapan ang dinala
Ngunit ngiting pinoy, mahirap alisin
Nanatiling positibo't masayahin

Umuulan ma'y tuloy pa rin ang saya
Pahiyas, Maskara, at ang Panagbenga
Makukulay na pista ay dinarayo
Sa dahon ng saging nagsasalo-salo

Lechon, Laing, Adobo at Kare-kare
Sa sarap, mapapalundag ka sa ere
Ang lutong Pilipino, walang katapat
Sarap na hahanap-hanapin ng lahat

Mga jeep, kulay asul, berde at pula
Kung saan-saan natin pwedeng makita
Pambusog sa puso, pampyesta sa mata
Mga pinoy malikhain nga talaga!

Sa tanghalan, pinoy ay kahanga-hanga
Magaling sa pagsasayaw at pagkanta
Pati  ngipin, pinambabalat ng buko
Pilipino ay tunay na talentado

Pinoy na makakata nagsisilabasan
Pag pinag-uusapan ang panitikan
Pagsulat ng malalamang tula
Patok na patok sa panlasa ng madla

Di nagpapatalo sa uso ang Noypi
Tanyag sa'tin ngayon ang pagselfie-selfie
Facebook at Twitter, Pilipino'y naroon
Bukas isip naglalahad ng opinyon

Kaugaliang pinoy, di natatapos riyan
Makikita parin sa kasalukuyan
Ang kulturang ipinalaganap noon
Mananatili sa mahabang panahon

by: Precious Torres, CJ Badiola, Dan Gravito, Emil John Mila, Rose Delavina and Moissa Padin
9-Gorbachev, Naga City Science High School

No comments:

Post a Comment