Ang mga pang-abay ay nagsasabi ng kung paano, kalian, saan at gaano.
Uri ng Pang-abay
1. Pang-abay na Pamaraan – tumutukoy ito sa paraan kung paano ginawa ang isinasaad na aksyon ng pandiwa.
Halimbawa:
Taimtim na pinakinggan ang kanyang awitin hanggang sa huling nota.
2. Pang-abay na Pamanahon – tumutukoy ito sa panahon kung kalian naganap ang isinasaad na aksyon ng pandiwa.
Halimbawa:
Agad napalalambot ng musika ang isang matigas na kalooban.
3. Pang-abay na Panlunan – tumutukoy ito sa pook na pinagganapan ng aksyong isinasaad ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na saan.
Halimbawa:
Umawit si Nelsa sa isang amateur singng contest sa radyo.
4. Pang-abay na Pang-agam - nagsasaad ito ng pag-aalinlangan at walang katiyakan.
Halimbawa:
Tila nagwagi siya ng unang gantimpala.
5. Pang-abay na Panggaano – tumutukoy ito sa bilang o dami ng isinasaad ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na gaano o ilan.
Halimbawa:
Kaunti ang sumali sa paligsahan ng pagtakbo.
6. Pang-abay na Panang-ayon – ito ay nagsasaad ng pagpapatotoo o pagsang-ayon.
Halimbawa:
Opo, mahusay sumayaw si Gabby.
7. Pang-abay na Pananggi – nagsasaad ito ng pagtutol o di pagsang-ayon.
Halimbawa:
Ayaw siyang tantanan ng palakpak ng mga tao.
8. Pang-abay na Panulad – ito ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang bagay.
Halimbawa:
Higit na magaling sumayaw si Anna kaysa kay Nena.
© http://www.takdangaralin.com/filipino/pang-abay/ano-ang-pang-abay-mga-uri-ng-pang-abay/
No comments:
Post a Comment