Si Tuwaang ay siyang
puno ng Kuaman. Balita siya sa katapangan, lakas at kakisigan. Isang Araw
tumanggap si Tuwaang ng balita na may isang dilag na nagmula sa kalangitan ng
Buhong na nakarating sa kaharian ni Batooy upang humingi ng tulong. Tinawagan
ni Batooy si Tuwaang. Nagpaalam si Tuwaang sa kapatid niyang babae na
kinagigiliwan iyong tawaging Bai, ibig niyang tulungan ang nasabing dalaga.
Ayaw mang pumayag ni Bai sapagkat ang gagawin ni Tuwaang ay lubhang mapanganib,
hindi rin napigil si Tuwaang sa gagawin niyang pagsaklolo. Sumakay si Tuwaang
sa kidlat. Ang karaniwan niyang sasakyan ay hangin. Ngunit sa pagkakataong
ito'y himingi siya ng pasintabi sa hangin sa hindi ito ang gamiting sasakyan
sapagkat siya'y nagmamadali.
Dumaan muna si Tuwaang sa lupain ng Binata ng Pangavukad. Dinulutan si Tuwaang ng itso (ikmo at bunga). Ang pagdudulot ng itso sa panauhin ay kaugalian nga mga Muslim. Pumunta si Tuwaang at ang Binata ng Pangavukad sa lupain ni Batooy. Pagdating nila roon, dahil sa kagandahang lalaki ni Tuwaang aya halos hinimatay ang mga tao sa laki ng paghanga sa binata ng Kuaman. Pumanhik si Tuwaang at sa laki ng pagod dahil sa paglalakbay ay nakatulog siya sa pagkakaupo sa tabi ng dalagang may lambong ng kadiliman ang dalaga ng Buhong. Nang magising si Tuwaang, dinulutan ang dalawang itso at sila'y ngumanga. Mula pa ng dumating sa lupain ni Batooy ay walang nais kausapin ang dalagang may lambong ng kadiliman. Hinintay niya si Tuwaang upangdito sabihin ang kanyang malaking suliranin. Nagkagusto ang binata ng Pangumanon sa dalaga. Malaki naman ang pag-ayaw ng dalaga, subalit nais kunin ng Binata ng Pangumanon ang dalaga sa dahas. Kaya napilitan siyang humingi ng saklolo kay Tuwaang at kay Batooy.
Hindi pa gaanong natatagalan ang pag-uusap ni Tuwaang at ng dalaga ng Buhong ay dumating naman ang Binata ng Panumanon. Walang taros na pinagtataga ng Binata ng Pangumanon ang tauhan ni Batooy. Para lamang tumatabas ng puno sa isang tubuhan at sa ilang saglit nakabulagta nang lahat ang mga kawal ata tauhan ni Batooy.
Nanaog si Tuwaang at
nagharap ang dalawang malakas at makapangyarihang lalaki. Ginamit ni Tuwaang
ang kanyang kampilan. Sa lakas ng pagtatagaan aya naputol ito. Itinapon ni
Tuwaang ang puluhan nito at kaagad na tumulong ang punong malivutu. Gayon din
ang nangyari sa binata ng Pangumanon. Ginamit naman ni Tuwaang ang iba pang
sandata niyang palihuma, gayon din ang balaraw hanggang nabali rin sa puluhan
ang mga itao. At sabay na nagtapon ng baling puluhan ang dalawa at ito'y naging
punong maunlapay. Nang magkaubusan na sila ng mga armas, sinunggaban ng Binata
ng Pangumanon si Tuwaang at ibig durugin sa kanyang binti. Hindi nasaktan s i
Tuwaang. Sinunggaban naman ni Tuwaang ang Binata ng Pangumanon at tinangkang
ihampas sa malaking bato. Nang sasayad na ang katawan, ang bato ay naging
alabok. Tinawagan ng Binata ng Pangumanon ang kanyang patung. Ito'y isang
dangkal na bakal na ipinulupot kay Tuwaang. Ang patung ay bumuga ng apoy.
Inunat ni Tuwaang ang kamay at namatay ang apoy. Tinawagan naman ni Tuwaang ang
kanyang patung at nagliyab ang Binata ng Pangumanon at namatay.
Ngumaga si Tuwaang at ibinuga ang tabug ng nganga sa tauhan ni Batooy at sila'y nabuhay na lahat. Iniuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman. Pagdating nila sa Kuaman ay may ligalig na nagaganap. Pagkatapos na magapi ni Tuwaang ang kalaban, minabuti niyang doon na sila sa bayan ng Katu-san, ang lupaing walang kamatayan
No comments:
Post a Comment