Tuesday, August 6, 2013

Uhaw ang Tigang na Lupa by Liwayway Arceo

1Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at nikikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi...2Ilang araw ko nang hindi nadadalaw ang aklatan: ilang araw ko nang hindi nasasalamin ang isang larawang mahal sa akin: bilugang mukha, malapad na noo, hati-sa-kaliawang buhok, singkit na mga mata, hindi katangusang ilong, mga labing duyan ng isang ngiting puspos-kasiyahan...Sa kanya ang aking noo at mga mata. Ang aking hawas na mukha, ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, at maninipis na labi, ay kay Ina...3Sa Ina ay hindi palakibo: siya ay babaing abilang at sukat ang pangungusap. Hindi niya ako inuutusan. Bihira siyang magalit sa akin at kung nagkakagayon ay maikli ang kanyang pananalita: Lumigkit ka!...At kailangang ‘di ako makita. Kailangang ‘do ko masaksihan ang kikislap na poot sa kanyang mga mata. Kailangang ‘di ko namamalas ang pagkagat niya sa kanyang labi. Kailangang ‘do ko na makita ang panginginig ng kanyang mga daliri. Ito rin ang katumbas ng kanyang mariing huwang kung mayroon siyang ipinagbabawal.Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw...4Minsan man ay hindi ko narinig na may pinagkagalitan sila ni Ama bagama’t hindi ko mapaniwalaang may magkabiyak ng pusong hindi nagkakahinampuhan. Marahil ay sapagkat kapwa sila may hawak na kainawaan: ang pagbibigayan sa isa’t isa ay hindi nalilimot kailanman.5Kung gabi ay hinahanap ko ang kaaliwang idinudulat ng isang amang nagsasalaysay tungkol sa mga kapre at nuno at tungkol sa magagandang ada at prinsesa; ng isang nagmamasid at nakangiting ina; ng isang pulutong ng nakikinig na magaganda at masasayang bata.Ngunit, sa halip niyon ay minalas ko si Ama sa kanyang pagsusulat; sa kanyang pagmamakinilya; sa kanyang pagbabasa. Minamasdan ko kung paano niya pinapangunot ang kanyang noo; kung paano niya ibinubuga ang asong nagbubuhat sa kanyang tabako; kung paano siya titingin sa akin na tila may hinahanap; kung paano niya ipipikit ang kanyang mga mata; kung paano siya magpapatuloy sa pagsulat...Si Ina ay isang magandang tanawin kung nanunulsi ng mga punit na damit; kung nag-aayos ng mga uhales at nagkakabit ng mga butones sa mga damit ni Ama. Sa kanyang pagbuburda ng aking mga kamison at panyolito – sa galaw ng kanyang mga daliri – ay natutunghan ko ang isang kapana-panabik na kuwento. Ngunti, ang pananabik na ito’y napapawi.Kabagu-tbagot ang aking pag-iisa at ako ay naghahanap ng kasama sa bahay: isang batang marahil ay nasa kanyang kasinungalingang gulang o isang saggol na kalugud-lugod, may ngiti ng kawalang-malay, mabango ang hininga, may maliit na paa at kamay na nakatutuwang pisilin, may mga pisngi at labing walang bahid-kasalanan at kasiya-siyang hagkan, o isang kapatid ba kahulihan ng gulang, isang maaaring maging katapatan...6Sakali mang hindi nagkagalit si Ina at Ama, o kung nagkakagalit man ay sadyang hindi ipinamamalay sa akin, ay hinahanap ko rin ang magiliw na palitan ng mga titig, ng mga ngiti, ng mga biruan.Sapat na ang isang tuyot na aalis na ako sa pagpapaalam ni Ama. Sapat na ang naningil na ang maniningil sa ilaw o sa tubig o sa telepono upang sakupin ang panahong itatagal ng isang hapunan. Sapat na panakaw sa sulyap ni Ama upang ipadamang may naririnig siya.Mabibilang sa mga daliri ng aking dalawang kamay kung makailan kaming nagpasyal: Si Ama, si Ina at ako. Malimit na ako ang kasama ni Ina; hindi ko nakitang sinarili nila ang pag-aaliw.7Inuumaga man si Ama sa pag-uwi kung minsan ay hindi ko kinapapansinan ng kakaibang kilos si Ina. Nahihiga rin siya pagdating ng mga sandali ng pamamahinga at kung nakatutulog siya o hindi ay hindi ko matiyak.Marahil ay ito ang tunay na madarama ng kataling-puso ng isang taong inaangkin ng madla...Ngunit, walang pagsisisi sa kanyang tinig.8Ilang taon na ngayon ang nakaraan nang minsang may ibinalik na aklat ang aming tagapaglaba: yaon daw ay nakuha niya sa isang lukbutan ng amerikana ni Ama. Ibinigay ko yaon kay Ina: yaon daw ay talaarawan ni Ama.Kinabukasan ay may bakas ng luha ang mga mata ni Ina. Kapansin-pansin ang lalo niyang hindi pagkabo buhat noon. Lalo siyang naging malungkot sa aking paningin.Ano ang nasa isang talaarawan?9Lasing na lasing si Ama. Karaniwan nang umuuwing lasing si Ama ngunit, kakaiba ang kalasingan niya nagyong gabi. Hinihilamusan siya ni Ina ng malahiningang tsaa, ngunit wala itong naibigay na ginhawa.Hindi rin kumikino si Ina: nasa mga mata niya ang hindi maipahayag na pagtutol.Sapagkat may isusulat ako...sapagkat ikamamatay ko ang pighating ito...sapagkat...sapagkat...sapagkat...10Idinaraing ngayon ni Ama ang kanyang dibdib at ulo: hindi raw siya makahingang mabuti.Marahil ay may sipon ka, ani ina. Sinisinat ka nga.Isang panyolitong basa ng malamig na tubig ang itinali ko sa ulo ni Ama. Wala siyang tutol sa aking ginagawa. Sinusundan niya ng tingin ang bawat kilos ko.Ang kanyang mga bisig, buhat sa siko hanggang sa palad, at ang kanyang binti, buhat sa tuhod hanggang sa mga talampakan, ay makailan kong binuhusan ng tubig na mainit na inakala kong matatagalan niya – tubig na pinaglagaan ng mga dahong ng alagaw. Kinulob ko siya ng makakapal na kumot matapos na inumin niya ang ibinigay kong mainit na tubig na pinigaan ng kalamansi.Nakangiti si Ama: Manggagamot pala ang aking dalaga!Sinuklian ko ng isang mahinang halakhak ang ngiti niyang yaon: hindi ako dating binibiro ni Ama.Sana’y ako si na sa mga sandaling yaon: sana’y lalo kong ituturing na mahalaga ang nadarama kong kasiyahan...11Nabigo ako sa aking pag-asa: nakaratay nang may ilang araw si Ama. Halos hindi siya hinihiwalayan ni Ina: si ilalim ng kanyang mga mata ay may mababakas na namang maiitim na guhit.Anang manggagamot ay gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya. Ngunit, ayaw niyang ipagtapat sa akin ang karamdaman ni Ama.12Ipinaayos ngayon ni Ama ang kanyang hapag. Nililinis ko ang kanyang makinilya. Idinikit ko ang kagugupit na kuwentong kalalathala pa lamang. Pinagsama-sama ko ang mga papel sa kanyang mga kahon.Ang pang-ilalim na kahon ng kanyang hapag ay nagbigay sa akin ng hindi gagaanong pagtataka: may isang kahitang pelus na rosas at isang salansan ng mga liham. Maliliit at mga bilugang titik bughaw na tinta sa pangalan ni Ama sa kanyang tanggapan ang mga nasa sobre.13Ang larawan sa kahitang pelus ay hindi yaong hawas na mukha, may ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, maninipis na labi. Sa likod niyon ay nasusulat sa maliliit at bilugang mga titik sa bughaw na tinta: Sapagkat ako’y hindi makalimot... Ang larawan ay walang lagda ngunit nadama ko ang biglang pagkapoot sa kanyang at sa mga sandaling yaon ay natutuhan ko ang maghinanakit kay Ama.14Bakit sa panahong ito lamang tayo pinaglapit ng pangyayari? Higit marahil ang aking katiwasayan kung hindi ka dumating sa aking buhay, bagamat hindi ko rin marahil matitiis na hindi maipagpalit ang aking kasiyahan sa isang pusong nagmamahal. Totoong ang kalagayan ng tao sa buhay ang malimit maging sagwil sa kanyang kaligayahan...15Naiwan na natin ang gulang ng kapusukan; hindi na tayo maaaring dayain ng ating nadarama. Ngunit, nakapagitan sa atin ngayon ang isang malawak na katotohanang pumupigil sa kaligayahan ang hindi natin maisakatuparan ay buhayin na lamang natin sa alaala. Panatilihin na lamang natin sa diwa ang katamisan ng isang pangarap; sana’y huwag tayong magising sa katotohanan...16Nakita ko siya kagabi sa panaginip; sinusumbatan niya ako. Ngunit, hindi ko balak ang magwasak ng isang tahanan. Hindi ko maatim na mangnakaw ng kanyang kaligayahan; hindi ko mapababayaang lumuha siya dahil sa akin. Ang sino mang bahagi ng iyong buhay ay mahal sa akin; ang mahal sa akin ay hindi ko maaaring paluhain...17Ang pag-ibig na ito’y isang dulang ako ang gumaganap ng pangunahing tauhan; sapagkat ako ang nagsimula ay ako ang magbibigay-wakas. Ipalagay mo nang ako’y nasimulang tugtuging nararapat tapusin. Gawin mo akong isang pangarap na naglalaho pagkagising. Tulungan mo akong pumawi sa kalungkutang itong halos pumatay sa akin...18Ngunit, bakit napakahirap ang lumimot?19Nadama ko ang kamay ni Ina sa aking kanang balikat: noon ko lamang namalayan na may pumasok sa aklatan. Nakita niya ang larawang nasa kahitang pelus na rosas. Natunghan niya ang mga liham na nagkalat sa hapag ni Ama.Si Ina ay dumating at lumisang walang binitiwang kataga. Ngunit, sa kanyang paglisan ay muling binati ng kanyang palad ang aking balikat at nadarama ko pa ang salat ng kanyang mag daliri; ang init ng mga iyo, ang bigat ng kanilang pagkakadantay...20Ang katahimikang namagitan sa amin ni Ina ay hindi pa napapawi. Iniiwasan ko ngayon ang pagsasalubong ng aming mga titig; hindi ko matagalan ang kalungkutang nababasa ko sa mga paninging yaon.21Hiningi ni Ama ang kanyang panulat at aklat-talaan. Nguni, nang mapaniwala ko siyang masama sa kanyang ang bumangon ay kanyang sinasabi: Ngayon ay ang aking anak ang susulat nang ukol sa atin...At sa anya’y isang dalubhasang kamay ang uukit niyon sa itim na marmol. Ngunit, hindi ko maisatitik ang pagtutol na halos ay pumugto sa aking paghinga.Nasa kalamigan ng lupa ang kaluwalhatian ko!Kailanman ay hindi ko aangkining likha ng aking mga daliri ang ilang salitang ito.22Huwag kang palilinlang sa simbuyo ng iyong kalooban; ang uang tibok ng puso ay hindi pag-ibig sa tuwina...Halos kasinggulang mo ako nang pagtaliin ang mga puso namin ng iyong Ina...Mura pang lubha ang labingwalang taon...Huwag ikaw ang magbigay sa iyong sarili ng mga kalungkutang magpapahirap sa iyo habang-buhay...Muli kong nadama ang tibay ng buhol na nag-uugnay ng damdamin ni Ama sa akin.23Kinatatakutan ko na ang malimit na pagkawala ng diwa ni Ama.Si Ina ay patuloy sa kanyang hindi pagkibo sa akin, patuloy sa kanyang hindi pag-idlip, patuloy sa kanyang pahluha kung walang makakita sa kanya...24Ang kanang kamay ni Ina ay idinantay sa noo ni Ama at ang pagtatanan ng isang nais tumakas na damdamin sa kanyang dibdib ay tinimpi ng pagdadaop ng kanyang ngipin sa labi.Naupo siya sa gilid ng higaan ni Ama at ang kaliwang kamay nito ay kinulong niya sa kanyang mga palad.Magaling na ako, mahal ko...magaling na ako...sa muli mong pagparito ay sabihin mo sa akin kung saan tayo maaaring tumungo...ang moog na itong kinabibilangguan ko’y aking wawasakin...sa ano mang paraan...sa ano mang paraan...Ang malabubog na tubig na bumabakod sa mga pangingin ni Ina ay nabasag at ilang butil niyo ang pumatak sa bisig ni Ama. Mabibigat na talukap ang pinilt na iminulat ni Ama at sa pagtatagpo ng mga titig nila ay gumuhit sa nanunuyo niyang labi ang isang ngiting punung-puno ng pagbasa. Muling nalapat ang mga durungawang yaon ng isang kaluluwa at hindi niya namasid ang mga matang binabalungan ng luha: ang mga salamin ng pagdaramdam na hindi mabigkas.25Nasa mga palad pa rin ni Ina ang kaliwang kamay ni Ama:Sabihin mo, mahal ko, na maaangkin ko na ang kaligayahan ko...Kinagat ni Ina nang mariin ang kanyang labi at nang siya’y mangusap ay hindi ko naaming kay Ina ang tinig na yaon:Maaangkin mo na, mahal ko!Ang init ng mga labi ni Ina ang kasabay ng kapayapaang nanahanan sa mga labi ni Ama at nasa mga mata man niya ang ilaw ng pagkabigo sa pagdurugtong sa isang buhay na wala nang luhang dumadaloy sa mga iyon: natitiyak niya ang kasiyahang nadama ng kalilisang kaluluwa...
Note: This is not my property.

Saturday, June 29, 2013

Si Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit

Sa Kaharian ng Kuaman, may isang lalaking nagngangalang Tuwaang. Tinawag niya ang kaniyang kapatid na si Bai.
Lumapit si Bai, at ito ay nagdala ng nganga. Ang magkapatid ay ngumuya ng nganga. Sinabi ni Tuwaang na may dalang mensahe ang hangin na pinapapunta siya sa kaharian ni Batooy, isang bayani sapagkat may dalagang dumating sa kaharian ngunit hindi siya nakikipag-usap sa mga kalalakihan doon, kaya pinatawag ng isa sa mga kalalakihan ang hangin para ipatawag si Tuwaang.
Hindi pumayag si Bai sa gagawing paglalakbay ni Tuwaang. Kinakabahan si Bai sa maaaring mangyayaring masama kay Tuwaang. Pero hindi nakinig si Tuwaang sa sinabi ni Bai. Agad-agad na naghanda si Tuwaang at isinuot ang kanyang mga armas. Kinuha niya ang kaniyang sibat at kalasag at tinawag ang kidlat upang dalhin siya sa lugar ng Pinanggayungan.
Pagkarating doon ay bumisita siya sa bahay ng Binata ng Pangavukad. Sinamahan siya ng binata ng Pangavukad sa kaniyang paglalakbay.
Sila’y nakarating sa tahanan ni Batooy. Humiga si Tuwaang sa tabi ng dalagang nagbalita sa kaniya at kaagad na nakatulog. Bumunot ang dalaga ng isang buhok ni Tuwaang na nakalawit. Nagsalita ang dalaga at nakilala na nila ang isa’t isa.
Ang dalaga ay ang Dalaga ng Buhong na Langit. Tumakas siya at nagtatago mula sa Binata ng Pangumanon, isang higante na may palamuti sa ulo na abot ang mga ulap. Gusto siyang pakasalan ng binata ngunit tinanggihan niya ang alok.
Nagalit ang binata at sinunog ang bayan ng dalaga. Sinundan niya ang dalaga saan man siya mapadpad at sinunog niya ang mga bayan na pinagtataguan ng dalaga, kaya naghanap ang dalaga ng pagtataguan sa mundong ito.
Pagkatapos magkuwento ang dalaga kay Tuwaang, dumating bigla ang Binata ng Pangumanon, balot ng apoy, at pinagpapatay niya ang mga tao sa kaharian ni Batooy.
Naglaban si Tuwaang at ang Binata ng Pangumanon gamit ang kanilang mga sandata. Ngunit magkasinlakas silang dalawa, at nasira ang kanilang mga sandata. Tinawag ng Binata ng Pangumanon ang kaniyang patung, isang mahabang bakal. Ito’y kaniyang ibinato at pumulupot kay Tuwaang. Lumiyab ito ngunit itinaas ni Tuwaang ang kaniyang kanang bisig at namatay ang apoy. Tinawag ni Tuwaang ang kaniyang patung at ibinato sa binata. Lumiyab ito at namatay ang binata. Pagkatapos ng labanan ay binuhay niya ang mga namatay na tauhan gamit ng kaniyang laway. Dinala niya ang dalaga sa kaniyang bayan sakay ng kidlat.
Ikinuwento ng Gungutan na nakita niya sa kaniyang panginip na darating si Tuwaang sa Kawkawangan. Inalok naman ni Tuwaang ang Gungutan na sumama sa paglalakbay niya; tinanggap naman ito ng Gungutan. Tumuloy na sila sa paglalakbay.
Nakarating si Tuwaang at ang Gungutan sa kasal. Dumating ang Binata ng Panayangan, na nakaupo sa gintong salumpuwit, ang Binata ng Liwanon, ang Binata ng Pagsikat ng Araw, at ang Binata ng Sakadna, ang ikakasal na lalaki, at kaniyang 100 pang tagasunod. Nakiusap ang Binata ng Sakadna na linisin ang mga kalat sa kasal (o mga hindi imbitado/kailangang bisita) ngunit sinagot naman siya ni Tuwaang na may pulang dahon (mga bayani) sa okasyon.
Nagsimula ang mga unang seremonya ng kasal. Binayaran ng mga kamag-anak ang mga savakan (mga bagay para sa babaeng ikakasal at mga nakabalot na pagkain na inaalay ng mga kamag-anak ng lalaking ikakasal) ng babaeng ikakasal, hanggang may naiwang dalawang hindi mabayaran. Umamin ang Binata ng Sakadna na hindi niya kayang bayaran ang dalawang bagay, pero tinulungan siya ni Tuwaang gamit ng paglikha ng isang sinaunang gong bilang kapalit sa unang bagay at gintong gitara at gintong bansi (o gintong plawta) sa pangalawang bagay.
Lumabas ang Dalaga ng Monawon, ang dalagang ikakasal para magbigay ng nganga sa lahat ng bisita. Pagkatapos niyang bigyan ang lahat ng panauhin ng nganga, umupo siya sa tabi ni Tuwaang. Nagalit ang Binata ng Sakadna. Hinamon ng binata si Tuwaang sa labas ng bahay. Ang Gungutan, samantala ay nakapatay na ng mga kasama ng binata hanggang sa anim na lang ang natira. Nagkipaglaban ang dalawa sa anim na kalaban hanggang ang natira na lamang ay si Tuwaang at ang Binata ng Sakadna.
Binato nang napakalakas ni Tuwaang ang binata at lumubog siya sa lupa at nakita niya ang isa sa mga tagapagbantay ng mundong ilalim. Bumalik agad sa mundo ang binata at itinapon naman si Tuwaang sa mundong ilalim, kung saan nakita rin ang tagapagbantay rito. Nalaman ni Tuwaang ang kahinaan ng binata, at pagkalabas niya roon, kinuha ang gintong plawta na nagtataglay ng buhay ng binata. Dahil mas ginusto ng binata na mamatay kaysa mapabilang sa kampon ni Tuwaang, sinira ni Tuwaang ang plawta at ang binata ay unti-unting namatay.
Inuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman kung saan siya ay naghari habambuhay.


Note: This is not my property.

Monday, June 24, 2013

Naging Sultan si Pilandok

Ang kinagigiliwang Juan ng katagalugan ay may katumbas sa mga Maranaw - si Pilandok.
Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa isang pagkakasalang kanyang ginawa.
Pagklipas ng ilang araw, ang sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kanyang harap na nakasuot ng magarang kasuotan ng sultan. Nakasukbit sa kanyang baywang ang isang kumikislap na ginituang tabak.
"Hindi ba't itinapon ka na sa dagat?" nagtatakang tanong ng sultan kay Pilandok. "Siya pong tunay, mahal na Sultan," ang magalang na tugon ni Pilandok. "Paanong nangyaring ikaw ay nasa harap ko at nakadamit nang magara? Dapat ay patay ka na ngayon," ang wika ng sultan.
"Hindi po ako namatay, mahal na sultan sapgkat nakita ko po ang aking mga ninuno sa ilalim ng dagat nang ako'y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng kayamanan. Sino po ang magnanais na mamatay sa isang kahariang masagana sa lahat ng bagay?" ang paliwanag ni Pilandok. "Marahil ay nasisiraan ka ng bait," ang sabi ng ayaw maniwalang sultan. "Nalalaman ng lahat na walang kaharian sa ilalim ng dagat."
"Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa gitna ng dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto ngayon at kausap ninyo," ang paliwanag ni Pilandok. "May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa pagtungo roon ay ang pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po'y aalis na at marahil ay hinihintay na ako ng aking mga kamag-anak." Umakmang aalis na si Pilandok.
"Hintay," sansala ng sultan kay Pilandok. "Isama mo ako at nais kong makita ang aking mga ninuno, ang sultan ng mga sultan at ang iba ko pang kamag-anak."
Tatawagin na sana ng sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni Pilandok at pinagsabihangwalang dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang pupunta roon ang ultan sa loob ng isang hawla.
"Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng dagat," ang sabi ng sultan. "Sino po angmamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis?" ang tanong ni Pilandok. "Kapag nalaman po ng iba ang tingkol sa sinabi ko sa inyong kaharian sa ilalim ng dagat ay magnanais silang magtungo rin doon."
Sandaling nag-isip ang sultan at nakangiting nagwika, "Gagawin kitang pansamantalang sultan, Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang ikaw ang pansamantalang hahalili sa akin." "Hintay, mahal na Sultan," ang pigil ni Pilandok. "Hindi po ito dapat mlaman ng inyong mga ministro."
"Ano ang nararapat kong gawin?" ang usisa ng sultan. "Ililihim po natin ang bagay na ito. Basta't ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong korona, singsing at espada. Pag nakita ang mga ito ng inyong kabig ay susundin nila ako," ang tugon ni Pilandok.
Pumayag naman ang sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok ang hinihingi at isinakay sa isang bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang hawlang kinalululanan ng sultan. Kaagad lumubog ang hawla at namatay ang sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging sultan.

Friday, June 21, 2013

Pang-abay

Ang Pang-abay ay bahagi ng pananalitang nagbbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. 
Ang mga pang-abay ay nagsasabi ng kung paano, kalian, saan at gaano.

Uri ng Pang-abay
1.      Pang-abay na Pamaraan – tumutukoy ito sa paraan kung paano ginawa ang isinasaad na aksyon ng pandiwa.
Halimbawa:
Taimtim na pinakinggan ang kanyang awitin hanggang sa huling nota.
2.      Pang-abay na Pamanahon – tumutukoy ito sa panahon kung kalian naganap ang isinasaad na aksyon ng pandiwa.
Halimbawa:
Agad napalalambot ng musika ang isang matigas na kalooban.
3.      Pang-abay na Panlunan – tumutukoy ito sa pook na pinagganapan ng aksyong isinasaad ng pandiwa.  Sumasagot ito sa tanong na saan.
Halimbawa:
Umawit si Nelsa sa isang amateur singng contest sa radyo.
4.      Pang-abay na Pang-agam  - nagsasaad ito ng pag-aalinlangan at walang katiyakan.
Halimbawa:
Tila nagwagi siya ng unang gantimpala.
5.      Pang-abay na Panggaano – tumutukoy ito sa bilang o dami ng isinasaad ng pandiwa.  Sumasagot ito sa tanong na gaano o ilan.
Halimbawa:
Kaunti ang sumali sa paligsahan ng pagtakbo.
6.      Pang-abay na Panang-ayon – ito ay nagsasaad ng pagpapatotoo o pagsang-ayon.
Halimbawa:
Opo, mahusay sumayaw si Gabby.
7.      Pang-abay na Pananggi – nagsasaad ito ng pagtutol o di pagsang-ayon.
Halimbawa:
Ayaw siyang tantanan ng palakpak ng mga tao.
8.      Pang-abay na Panulad – ito ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang bagay.
Halimbawa:
Higit na magaling sumayaw si Anna kaysa kay Nena.

© http://www.takdangaralin.com/filipino/pang-abay/ano-ang-pang-abay-mga-uri-ng-pang-abay/

Thursday, June 20, 2013

Vegetation Covers of Asia

Want to know the Vegetation Covers of Asia for your Social Studies Assignment? Just click and print:
http://static.ddmcdn.com/gif/maps/pdf/ASA_THEM_Vegetation.pdf

Hoping I helped you!

Monday, June 17, 2013

Why Sinigang? by Doreen Fernandez

To see a full copy of Why Sinigang? by Doreen Fernandez, click and download:


I hope I helped you!

Tuwaang (Epiko ng mga Bagobo)

Si Tuwaang ay siyang puno ng Kuaman. Balita siya sa katapangan, lakas at kakisigan. Isang Araw tumanggap si Tuwaang ng balita na may isang dilag na nagmula sa kalangitan ng Buhong na nakarating sa kaharian ni Batooy upang humingi ng tulong. Tinawagan ni Batooy si Tuwaang. Nagpaalam si Tuwaang sa kapatid niyang babae na kinagigiliwan iyong tawaging Bai, ibig niyang tulungan ang nasabing dalaga. Ayaw mang pumayag ni Bai sapagkat ang gagawin ni Tuwaang ay lubhang mapanganib, hindi rin napigil si Tuwaang sa gagawin niyang pagsaklolo. Sumakay si Tuwaang sa kidlat. Ang karaniwan niyang sasakyan ay hangin. Ngunit sa pagkakataong ito'y himingi siya ng pasintabi sa hangin sa hindi ito ang gamiting sasakyan sapagkat siya'y nagmamadali.

Dumaan muna si Tuwaang sa lupain ng Binata ng Pangavukad. Dinulutan si Tuwaang ng itso (ikmo at bunga). Ang pagdudulot ng itso sa panauhin ay kaugalian nga mga Muslim. Pumunta si Tuwaang at ang Binata ng Pangavukad sa lupain ni Batooy. Pagdating nila roon, dahil sa kagandahang lalaki ni Tuwaang aya halos hinimatay ang mga tao sa laki ng paghanga sa binata ng Kuaman. Pumanhik si Tuwaang at sa laki ng pagod dahil sa paglalakbay ay nakatulog siya sa pagkakaupo sa tabi ng dalagang may lambong ng kadiliman ang dalaga ng Buhong. Nang magising si Tuwaang, dinulutan ang dalawang itso at sila'y ngumanga. Mula pa ng dumating sa lupain ni Batooy ay walang nais kausapin ang dalagang may lambong ng kadiliman. Hinintay niya si Tuwaang upangdito sabihin ang kanyang malaking suliranin. Nagkagusto ang binata ng Pangumanon sa dalaga. Malaki naman ang pag-ayaw ng dalaga, subalit nais kunin ng Binata ng Pangumanon ang dalaga sa dahas. Kaya napilitan siyang humingi ng saklolo kay Tuwaang at kay Batooy.

Hindi pa gaanong natatagalan ang pag-uusap ni Tuwaang at ng dalaga ng Buhong ay dumating naman ang Binata ng Panumanon. Walang taros na pinagtataga ng Binata ng Pangumanon ang tauhan ni Batooy. Para lamang tumatabas ng puno sa isang tubuhan at sa ilang saglit nakabulagta nang lahat ang mga kawal ata tauhan ni Batooy.
Nanaog si Tuwaang at nagharap ang dalawang malakas at makapangyarihang lalaki. Ginamit ni Tuwaang ang kanyang kampilan. Sa lakas ng pagtatagaan aya naputol ito. Itinapon ni Tuwaang ang puluhan nito at kaagad na tumulong ang punong malivutu. Gayon din ang nangyari sa binata ng Pangumanon. Ginamit naman ni Tuwaang ang iba pang sandata niyang palihuma, gayon din ang balaraw hanggang nabali rin sa puluhan ang mga itao. At sabay na nagtapon ng baling puluhan ang dalawa at ito'y naging punong maunlapay. Nang magkaubusan na sila ng mga armas, sinunggaban ng Binata ng Pangumanon si Tuwaang at ibig durugin sa kanyang binti. Hindi nasaktan s i Tuwaang. Sinunggaban naman ni Tuwaang ang Binata ng Pangumanon at tinangkang ihampas sa malaking bato. Nang sasayad na ang katawan, ang bato ay naging alabok. Tinawagan ng Binata ng Pangumanon ang kanyang patung. Ito'y isang dangkal na bakal na ipinulupot kay Tuwaang. Ang patung ay bumuga ng apoy. Inunat ni Tuwaang ang kamay at namatay ang apoy. Tinawagan naman ni Tuwaang ang kanyang patung at nagliyab ang Binata ng Pangumanon at namatay.

Ngumaga si Tuwaang at ibinuga ang tabug ng nganga sa tauhan ni Batooy at sila'y nabuhay na lahat. Iniuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman. Pagdating nila sa Kuaman ay may ligalig na nagaganap. Pagkatapos na magapi ni Tuwaang ang kalaban, minabuti niyang doon na sila sa bayan ng Katu-san, ang lupaing walang kamatayan

The Hands of the Blacks by Luis Bernardo Honwana

I don’t remember now how we got on to the subject, but one day, Teacher said that the palms of the Blacks’ hands were much lighter than the rest of their bodies. This is because only a few centuries ago, they walked around with them like wild animals, so their palms weren’t exposed to the sun, which made the rest of their bodies darker. I thought of this when Father Christiano told us after catechism that we were absolutely hopeless, and that even the pygmies were better than us, and he went back to this thing about their hands being lighter, and said it was like that because they always went about with their hands folded together, praying in secret. I thought this was so funny, this thing of the Blacks’ hands being lighter, that you should just see me now. I do not let go of anyone, whoever they are, until they tell me why they think that the palms of the Blacks’ hands are lighter. Doña Dores, for instance, told me that God made Blacks’ hands lighter so they would not dirty the food they made for their masters, or anything else they were ordered to do that had to be kept clean.
           
Señor Antunes, the Coca-Cola man, who only comes to the village now and again when all the Cokes in the cantinas have been sold, said it was a lot of baloney. Of course, I do not know if it was really such, but he assured me, it was. After that I said, “All right, it was baloney,” and then he told me what he knew about this thing of the Blacks’ hands. It was like this: “Long ago, many years ago, God the Father, Jesus Christ, the Virgin Mary, St. Peter, many other saints, all the angels that were in Heaven, and some of the people who had died and gone to Heaven—they all had a meeting and decided to create the Blacks. Do you know how? They got hold of some clay and pressed it into some second-hand molds and baked the clay of creatures, which they took from the heavenly kilns. Because they were in a hurry and there was no room next to the fire, they hung them in the chimneys. Smoke, smoke, smoke—and there you have them, black as coals. And now, do you want to know why their hands stayed white? Well, didn’t they have to hold on while their clay baked?”
           
When he told me this, Señor Antunes and the other men who were around us were very pleased and they all burst out laughing. That very same day, Señor Frias told me that everything i had heard from them there had been just one big pack of lies. Really and truly, what he knew about the Blacks’ hands was right—that God finished men and told them to bathe in a lake in Heaven. After bathing, the people were nice and white. The Blacks, well. They were made very early in the morning and at this hour, the water in the lake was very cold, so they only wet the palms of their hands and the soles of their feet before dressing and coming to the world.
           
But i read in a book that happened to mention the story, that the Blacks have hands lighter like this because they spent their lives bent over, gathering the white cotton of Virginia and i dont know where else. Of course, Doña Estefania did not agree when i told her this. According to her, it is only because their hands became bleached with all that washing.
           
Well, i do not know what to think about all this but the truth is that however calloused and cracked they may be, Black hands are always lighter than the rest of him. And that’s that!
           
My mother is the only one who must be right about this question of a Black’s hands being lighter than the rest of his body. On the day that we were talking about it, i was telling her what i already knew about the question, and she could not stop laughing. When i was talking, she did not tell me at once what she thought about all this and she only talked when she was sure that i wouldn’t get tired of bothering her about it. And even then,  she was crying and clutching herself around the stomach like someone who had laughed so much that it was quite unbearable. What she said was more or less this:
           
“God made Blacks because they had to be. They had to be, my son. He thought they really had to be. Afterwards, He regretted having made them because other men laughed at them and took away their homes and put them to serve as slaves and not much better. But because He couldn’t make them all white, for those who were used to seeing them black would complain, He made it so that the palms of their hands would be exactly like the palms of the hands of other men. And do you know why that was? Well, listen: it was to show that what men do is only the work of men... that what men do is done by hands that are the same—hands of people. How, if they had any sense, would know that before anything else they are men. He must have been thinking of this when He made the hands of those men who thank God they are not black!”
           

After telling me all this, my mother kissed my hands. As i ran off to the yard to play ball, i thought that i had never seen a person cry so much as my mother did then.


Note: This is not my property.

Alamat ng Baguio

Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang mga Igorot na pinamumunuan ni Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya ang pinakama-lakas at pinakamatapang sa kanilang nayon kaya siya ang ginawang puno ng matatandang pantas.
Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay nang tahimik . Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang bathala. Taun-taon ay nagdaraos sila ng caᾗao bilang parangal sa kanilang mga anito. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa iba’t ibang anito. 
Kung nagdaraos sila ng caᾗao ay lingguhan ang kanilang handa. Nagpapatay sila ng baboy na iniaalay sa kanilang bathala. Nagsasayawan at nagkakantahan sila.
Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang mamana. Hindi pa siya lubhang nakalalayo nang nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa isang landas na kanyang tinutunton. Karaniwang ang mga ibon sa gubat ay maiilap ngunit ang ibong ito ay kaiba.
Lumakad si Kunto palapit sa ibon ngunit hindi ito tuminag sa pagkakatayo sa gitna ng landas. Nang may iisang dipa na lamang siya mula sa ibon, bigla siyang napatigil.
Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit bago lumipad. Matagal na natigilan si Kunto . Bagamat siya’y malakas at matapang, sinagilahan siya ng takot. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng kanyang nakita.
Hindi na niya ipinagpatuloy ang kanyang pamamana. Siya’y bumalik sa nayon at nakipagkita sa matatandang pantas. Anang isang matanda, “ Marahil ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala. Ipinaaalaala sa atin na dapat tayong magdaos ng caᾗao.”
Kung gayon, ngayon din ay magdaraos tayo ng caᾗao,” ang pasiya ni Kunto.
Ipinagbigay-alam sa lahat ang caᾗao na gagawin. Lahat ng mamamayan ay kumilos upang ipagdiwang ito sa isang altar sa isang bundok-bundukan. Ang mga babae naman ay naghanda ng masasarap na pagkain.
Nang ang lahat ay nakahanda na, ang mga lalaki ay humuli ng isang baboy. Ang baboy na ito ay siyang iaalay sa kanilang bathala upang mapawi ang galit, kung ito man ay nagagalit sa kanila.
Inilagay ang baboy sa altar na ginawa nila sa itaas ng bundok-bundukan. Anong laking himala ang nangyari! Nakita nilang ang baboy ay napalitan ng isang pagkatanda-tandang lalaki! Ang mukha ay kulay- lupa na sa katandaan at halos hindi na siya makaupo sa kahinaan.Ang mga tao ay natigilan. Nanlaki ang mga mata sa kanilang nakita. Sila’y natakot.
Maya-maya’y nagsalita ang matanda at nagwika nang ganito: “Mga anak magsilapit kayo. Huwag kayong matakot. Dahil sa kayo’y mabuti at may loob sa inyong bathala, gagantimpalaan ko ang inyong kabutihan. Lamang ay sundin ninyo ang lahat ng aking ipagbilin.
“Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo rito sa aking tabi. Pagkatapos sukluban ninyo ako ng isang malaking palayok. Ipagpatuloy ninyo ang inyong caᾗao. Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik kayo rito sa pook na ito.
Makikita niyo ang isang punungkahoy, na kahit minsan sa buhay ninyo ay hindi pa ninyo nakikita o makikita magpakailanman. Ang bunga,dahon, at sanga ay maaari ninyong kunin ngunit ang katawan ay huwag ninyong gagalawin. Huwag na huwag ninyong tatagain ang katawan nito.”
Tinupad naman ng mga tao ang ipinagbilin ng matanda.Ipinagpatuloy nila ang kanilang pista. Pagkaraan ng tatlong araw, bumalik sila sa pook na pinag-iwanan sa matanda. Itinaas nila ang palayok at gaya ng sinabi ng matanda, nakita nila ang isang punungkahoy na maliit. Kumikislap ito sa liwanag ng araw-lantay na ginto mula sa ugat hanggang sa kaliit-liitang dahon.
Nagsigawan ang mga tao sa laki ng galak. Si Kunto ang kauna-unahang lumapit sa punungkahoy at pumitas ng isang dahon. Pagkapitas sa dahon ay nagkaroon kaagad ng kapalit ito kayat nag-ibayo ang tuwa sa mga tao. Bawat isa ay pumitas ng dahon.
Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyuk.Ang dati nilang matahimik na pamumuhay ay napalitan ng pag-iimbutan at inggitan. Ang punungkahoy naman ay patuloy sa pagtaas hanggang sa ang mga dulo nito’y hindi na maabot ng tingin ng mga tao.
Isang araw, anang isang mamamayan, “kay taas-taas na at hindi na natin maabot ang bunga o dahon ng punong-ginto. Mabuti pa ay pagputul-putulin na natin ang mga sanga at dahon nito. Ang puno ay paghahati-hatian natin.”
Kinuha ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba ay kumuha ng mga sibat. Tinaga nila nang tinaga ang puno at binungkal ang lupa upang lumuwag ang mga ugat.Nang malapit nang mabuwal ang punungkahoy ay kumidlat nang ubod-talim. Kumulog nang ubos-lakas at parang pinagsaklob ang lupa at langit.
Ang punungkahoy ay nabuwal. Nayanig ang lupa at bumuka sa lugar na kinabagsakan ng puno. Isang tinig ang narinig ng mga tao. “ Kayo ay binigyan ng gantimpala sa inyong kabutihan. Ang punong-ginto upang maging mariwasa ang inyong pamumuhay. Sa halip na kayo’y higit na mag-ibigan , kasakiman ang naghari sa inyong mga puso. Hindi ninyo sinunod ang aking ipinagbilin na huwag ninyong sasaktan ang puno. Sa tuwi-tuwina ay inyong nanaisin ang gintong iyan.”
At pagkasabi ng mga katagang ito, sa harap ng mga tao sa Suyuk, ang puno ay nilulon na ng lupang kinabuwalan. Mula nga noon, nagkaroon na ng minang ginto sa Baguio at nakukuha lamang ito sa pamamagitan ng paghukay sa lupa.

Thursday, January 24, 2013

Banggaan!

Papalapit na ang halalan. Tumitindi na rin ang banggaan ng mabibigat na pulitiko. Isang malaking halimbawa sa mga banggaang ito ang banggang Villafuerte kung saan ang magkakalaban ay... Mag-ama at maglolo.

"Sa Pilipinas lang mo lang ito makikita," ika nga ng ibang tao. Dito ka lang kasi makakasaksi ng pamilyang sa halip na magka-isa ay magkakalaban pa. Papainit ng papainit at patindi ng patindi ang sagupaan ng tatakbong gobernador na sina Luis Villafuerte, at Miguel Villafuerte at ng tatakbong kinatawan na si L-Ray Villafuerte.

Maraming mamamayan ang nagtatanong kung bakit sila nagsasagupaan. Marami din ang nagsasabi na hindi sila nagiging magandang huwaran sa iba.

Tama ba na ang kanilang ginagawa? Makakatulong ba ito sa bansa o magpapalala ng ating kalagayan?

Marami-rami na rin ang naitulong nila sa Camarines Sur. Mga pabahay, mga pagpapaayos ng paaralan, at iba pang proyekto. Ngunit, lahat ng ito ay walang silbi kung walang mga taong magtutulong-tulong para ito ay mabuo. Wala rin ito kung walang isang diwa na nagkakaisa.

Heto ngayon ang hamon sa mag-aama at maglolo. Alin ang mas makabubuti sa bansa, ang pagkakaisa o ang pagwawatak-watak? Ngayon, sino ang dapat manguno sa inyo? Sino ang tama? Ang mali? Magkaisa tayo at simulan natin sa ating pamilya, dahil ang progreso ay nagsisimula sa pagkakaisa.

Mga Villafuerte, paano kayo magiging huwaran?

Wednesday, January 23, 2013

Takdang Aralin: Filipino

"Binigyan tayo ng Diyos ng bibig para makapagsalita at utak para makapag-isip."

Madalas ko itong naririnig sa aking mga magulang o kung minsan nga ay ng ating mga magulang. Marahil siguro ay sinasabi nila sa atin ito sa atin upang iparating na lahat ng bagay ay may silbi. Siguro rin ay para sabihin na gamitin natin ang mga bagay na ibinigay sa atin ng Diyos, sa tamang paraan.

Tama naman sila. May bibig tayo para makapagsalita. Aminin na natin na minsan ay ginagamit natin ang ating bibig sa maling paraan o minsan naman ay hindi natin ito ginagamit. Naranasan niyo na ba na tinatanong ka ng iyong guro at hindi ka nakapagsalita? O kaya nama'y nakikipagkuwentuhan ka sa iyong mga kaibigan sa napakalakas na boses? Madalas mangyari ito. Baliktad hindi ba? Dapat ay ipahayag natin ang ating mga saloobin  at opinyon sa tamang boses o paraan at kapag nakikipagkuwentuhan naman ay yung sapat na boses lang. 

Isa pa sa mga sinasabi ng ating mga magulang ang linyang "Ang utak ay para sa pag-iisip". Tama na naman uli sila. Sabi nga sa isang biro, "Kapag ang utak hindi gamit, mahal ito kapag ibinenta." Oo nga. Minsan ay nag-iisip tayo ng mga masasamang bagay tungkol sa ibang tao ngunit hindi rin natin naiisip na mali ito. Sa halip na mag-isip tayo ng masasamang bagay, bakit kaya ay hindi natin ito igugol sa pag-iisip ng mga bagay na makatutulong sa sarili mo, sa iba at sa mundo. Sa ganoong paraan, ay nagagamit ang utak sa wastong paraan.

Ito na ang katotohanan, na ang lahat ng bagay ay may silbi. Maliit man o malaki, may tamang paraan ng paggamit nito. Isali na natin ang utak at bibig na mahalaga kaninuman. Gamitin natin ito ng wasto, para makatulong sa iba at sa sarili mo.